top of page

Do Accountants Need Financial Education?

Employee 1: "Uy friend, pwede na daw ako mag-loan sa Employees’ Fund natin sa Company. Anu kaya pwede ko bilhin?"

Employee 2: "Ay oo nga friend ako nga din sayang naman benefit natin"

Sa loob ng halus pitong taon kong pagtatrabaho bilang empleyado, parang normal nalang ang ganitong usapan sa loob at labas ng opisina. Mas madalas ang usapan ay kung anu ang pag kakagastusan. Saan kakain ng masarap? Saan mamasyal? Anu ang bagong “IN” ngayon?

Ito ang laging eksena lalong lalo na kapag araw ng sahod. O di nman kaya ay kung saan pwede umutang pag malayo pa ang sahod. Ako man ay naranasan ding dumaan sa ganyan. Ako na isang Certified Public Accountant. Tama CPA po ako.

Sabe nila pag CPA daw magaling kang humawak ng pera. Ngunit mukhang hindi ito akma. Sa kasamaang palad ay hindi ko nahawakan ng mabuti ang aking kinikita nuong unang tatlong taon ko palang nagtatrabaho.

Kahit papano, masasabi ko na malaki nadin ang sahod ko nuon. Kaya kampante lang ako na gumastos. Hanggang sa hindi ko namamalayan lumalaki na pala ang bill ko sa credit card. Hindi ko na siya nababayaran ng buo at madalas nagkakaroon ng karagdagang interest. Pero gayun pa ay man ayos lang. Tuloy parin ang buhay pati ang pag gastos. May sasahurin padin ako sa sunod payday. Ganyan ako nuon.

Nagbago lang ang lahat ng isang araw ay nabasa ko ang libro ni Bro. Bo Sanchez na "My Maid Invests in the Stock Market". Isang KASAMBAHAY nag-iinvest sa stock market, samantalang ako na isang Professional, CPA na naturingan, walang pang invest sa stock market at may utang pa sa credit card. Eto na ata ang tinatawag na “irony of life”. Ang tanging investment ko nalang na maituturing ay ang pagtulong ko sa aking mga magulang na pagaralin ang mga nakababata kong kapatid.

Simula nuon ay naging interesado na akong mag aral tungkol sa mga ibat ibang uri ng investments. Nag attend ako ng ilang mga financial seminars. Yung iba may bayad, yung iba libre at yung iba ay nilibre ako ng mga kaibigan ko. At duon ko lang napagtanto na ang isang CPA palang katulad ko ay marami pang dapat matutunan sa usaping pinansiyal. Na hindi pa pala sapat ang halus limang taong ginugol ko sa pag aaral sa kolehiyo para maging CPA.

At dahil sa mga bagong natutunan ko. Unti unti nang nagbago ang aking pananaw sa pera. In-apply ko ang isa sa mga paborito kong subject nung college pero ngayun ko lang gagamitin - ang BUDGETING. At sa loob ng isang taon ay aking nabayaran ang aking utang sa credit card. Laking pasasalamat ko din sa mga kaibigang tumulong sakin. Taong 2013 nang nagsimula nadin akong mag-invest at gawin ang aking mga natutunan sa mga financial seminars na aking napuntahan.

Malaking bagay ang naitulong sakin ng Financial Education na nung unay akala ko hindi ko na kailangan sapagkat akoy isang Certified Public Accountant. Laking pasasalamat ko at hindi pa huli ang lahat nung ako’y natuto. At dahil dito ay nakikita ko na mas magiging maganda ang kinabukasan ko at ng aking pamilya.

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
No tags yet.
Connect
  • Facebook Social Icon
  • Twitter Social Icon

Join our mailing list

Never miss an update

bottom of page